Ang Aking Komentaryo sa Landasin ng Sining sa Ating Panahon


Sorry to my foreign followers but I have to write these in our own dialect....these are all about my commentary on Philippine art scene which I have posted on my Facebook page too.  

Ang Aking Komentaryo sa Landasin ng Sining sa Ating Panahon
Ito po ay akin lamang sariling obserbasyon, maaaring hindi ito ang pananaw ng mga Experto sa Sining, ngunit sana ay mapakinggan din....
...
Alam nyo ba kung bakit napaka-halaga sa mga Senior Artist na ma-develop ang mga Newbies? At kung bakit minsan sumasama ang loob nila kung mali ang tinatahak na landas ng isang bagitong artist? At kung bakit may mga Hugot at Baon kayong naririnig mula sa Veterans at sa Newbies. May nagmamaktol at may umuuwing luhaan? 
Hayaan nyo po akong ipaliwanag ayon sa aking pagkakamulat noong ako'y ma-swerteng mapili para mag aral sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas CCP. Mapalad akong naipa-intindi rin ng aking mga Guro sa PNU ang kahalagahan ng Kultura. 

Ang Art or Sining ng isang Bansa ay nagsu-survive sa pagbuo ng ISANG KULTURA. Sa madaling salita; kung mas maraming Artist na magagaling ang malikha at makilala...magkakaroon ito ng KAMULATAN (awareness) sa isang Kumunidad.   
Magiging mahalaga sa Kapit-bahay mo ang salitang ART na dating panay ang tawa at pangbu-Bully sa ginagawa mong paghahagis ng pintura sa canvas...ngayon AWARE na sya na ABSTRACT pala ang tawag dun. Magsisimula na syang mag-Sabit ng ART sa bahay nya, kasi nga may Kultura na sya. Napansin din ng kapitbahay mo na  IKAW pala ay hindi Sira ulo, mas madami palang sira ang ulo na gaya mo. Aba teka, yung pagkakalat pala ng Batang ito sa pader namin ay Art at nanalo pa sa Competition. 
At syempre hindi ka mananalo sa isang Kompitisyon kung wala kang kalaban, at hindi ka magpapakahusay kung hindi mahuhusay ang kalaban mo...mas madaming mahuhusay ang dapat mong higitan...
DITO umaangat ang kalidad ng Sining. 
Taliwas sa ibang industriya, mas lumalakas ang Sining kung mas marami ang nasa Playing Field....Sa Music industry, na isa ring uri ng Sining halimbawa ay madami na rin tayong naipakilalang mahuhusay na Singer sa ibang bansa, kaya kapag Philippines na ang usapan sa BIRITAN kinakabahan na ang mga banyaga.

Pangarap din po yan ng mga Senior Artist....Hindi lang Suntok ni Manny Pacquiao ang ating pwedeng ipagmalaki pati na rin ang Hagod ng mga Magigiting na Pintor ay dapat din makilala. 
Para naman tayong mga Starving este Struggling Artist dito sa Pinas ay mabahagian din ng Liwanag kung SINO man itong Taga-pagligtas ng ating Kultura. Unti-unti na nating nabubura ang Bansag na Bansa tayo ng mga Alila (pasintabi po sa mga Domestic Helper) ....at sa aking palagay ang ULTIMATE recognition na pwede nating ihadog sa mundo ay ang makilala bilang Sentro ng Sining tulad ng mga Lugar na Paris, New York, London....  
Kaya nga hiling ng mga Senior artist sa inyo ay ITAAS nyo ang kalidad ng Sining natin...mas maraming mahuhusay na ala Pacquiao sa Arts mas dadayuhin tayo ng mga International Art dealers and Collectors. 
Ang Hamon nga lang sa Sistemang ito ay Paano ka mapapansin dahil sobrang dami nyo na....Dyan ngayon nagkaroon ng PROBLEMA ang mga NEWBIES...sa Sobrang dami ng mga Kabuteng nagsulputan...wala naman Direksyon na tinatahak....at hindi nila alam ang Collective Goal ng PHILIPPINE ART.
Hindi nyo na nga tinutulungang umangat ang Kultura ng Bansa, sinisira nyo pa ito...Bakit ang mga kabataan ng Japan ay nakabuo ng isang Kultura sa makabagong panahon? Gumawa sila ng Anime, Manga, Cosplay etc...Ano kayo mga Kabataang Pinoy...nasakop na ng Sistema nang K Pop ng Korea ang mga utak nyo?
Bakit hindi kayo gumawa ng Filipino version ng Pokemon...ay maling sample parang magiging bastos ito sa Tagalog. Hehe. 
Sayang kung ganito tayo kadami at gumawa tayo ng isang napaka-laking MURAL mas mahaba pa sana ito sa Great Wall of China. 
Ngayon kung mas MARAMING artist ang magkaka-isa sa Landas ng pag-unlad ng Sining sa Pinas...sa pamamagitan ng MALUSOG na Kompitisyon at mga Group Exhbitions, makaka-Attract din tayo ng mga Investor para magpa-contestHalimbawa: Isang Painting Talent Search competition sa TV na mala-Bahay ni Kuya ang Tema, why NOT dcoconut? hello Abs, GMA, TV5. 
Pero syempre dapat ma-impress natin ang mga investor na Filipino painters are worth Dying for...hehe
Muli, makaka-diskubre tayo ng mga mahuhusay na Artist...na may pagkakataon din naman na SUMABAK sa labas ng Bansa....mag-wagi sa larangangan ng Sining...at ilagay sa MAPA ng mundo na ang Pilipinas ay Sentro rin pala ng Kultura sa Asia at sa Buong Mundo.
Huwag na nating hintayin pa ang Pamahalaan natulungan tayong mga Artist. Kinalimutan na nga nila ang Tahanan ng Sining ng Bansa kayo pa kaya? Oo totoong meron ng multo ngayon sa CCP. Hahaha. 
Anyway, kapag masigla ang arts sa bansa, Magkakaroon ito ng Chain reaction...NGUNIT kung ang isa sa Kadena na ito ay Kalawang sa Sining ng Bansa, madami pa itong ikakalat na kalawang sa mga kalapit nyan Artist....Babansagan tayong Bansa na Walang Kwenta ang mga Artist!!!!! 
Ngayon, kung ikaw ay bagitong artist o Newbies na Pahara-hara at ISTORBO sa daan na gustong tahakin ng Kultura...aba mag-isip-isip ka baka dapat kanang isama sa Listahan ni Duterte.
Kaya nga sabi ko, napakarami nating Artist dito, pero konti lang ang Tunay na Creative. 
Hindi pwedeng Hugot at Baon lang alam nyo habang nagse-selfie na naka Duck face...iangat nyo ang uri nyo! Men! 
Dahil naghihirap ang mga Senior Artist natin Bumuo ng Kultura para maitawid ang bansang Pilipnas sa GLOBAL ART SCENE....sino ang hindi magagalit sa isang NEWBIE or SENIOR man kung nakita nyang KOPYA, PEKE, GAYA, DAYA, NAKAW, MABABANG-URI ang ipinakikilala mong ART sa ibang Bansa, aber?!!!!  
Hindi nila hahayaan syempre na ang minahal nilang Sining ay Lapastanganin mo
Tulungan po nating i-angat ang KALIDAD ng SINING sa PILIPINAS.... lalo na dun sa mga Kabataan na walang ginawa kundi pagtalunan ang mga walang ka-wenta-wentang bagay. 
Use your strenght...NUMBERS! Nagtaka nga ako sa inyo sa dami nyo mga Kabataang pintor, hindi kayo nagbuo ng Party-List Rep....tsk tsk...ano pangsarling interes? Ha? Ha? 
Ako sikat, dyan ka sa paa ko humalik?
Ewan ko din dito sa mga Senior Artist, kulang na rin yata sa vitamins...at ayaw ng gumalaw.... 
Meron pong DIRECTION na dapat tahakin ang isang Bansa, ngayon kung ayaw mo sa Direction na yan....eh pwede bang wag kang humarang sa Daan at TUMABI ka na lang. 

Nasaan na ang mga Kabataang Artists?
Sub-culture na lang ba tayo ng Anime ng Japan? Bakit hindi nyo i-Cosplay si Sisa  Sinimulan na ng yumaong Francis M ang Filipinismo, susundutin nyo na lang, hinayaan nyo pang agawin ng K-Pop? Huwaw!
Pwede namang mas makapal na Eye-liner ilagay nyo para maiba abot sa tenga...Ha!?nagawa na ba ni Joker yun? 
Anyway, hanggang tatlong Bibe na lang ba kayo nyo? 
Gising mga Batang Artist!!!!

Bigyan ko kayo ng simpleng halimbawa kung paano pinakilala ng mga Senior Artist ang Sining...yung Jeepney na pampasada..itinaas nila ang uri...ginawang Strength ang isang Lokal na bagay. Aba na curious ang mga Dayuhan.... gusto na rin nila ng mga Collectible na Jeepney na dati ay Kalesa....
Simbolo ng Manila Art yan di ba? 
Mag isip palawakin ang imahinasyon!!!

Ginaya ba ng Japan ang Kalesa at Jeepney natin? Hindi...
Gumawa sila ng Voltes V. Ano sagot natin sa Voltes V?
Wala na....pinabayaan na nga nating malusaw si Darna at Panday nila Doraemon, Naruto, etc...
Nag evolve ang Pokemon nila...tayo paatras at bumalik sa Kinder at umawit ng Tatlong Bibe.


Bakit ako daw, wala naman akong na Contribute sa Arts nung Kabataan ko. Toinkz! OO nga hindi naman ako nag evolve noon...
Hahaha... Nalihis po kasi landas ko at napunta sa Corporate world. Naks. Kaya nga bumabawi ako ngayon...at tinutulungan ang mga Artist na ayusin ang Mindset ng mga Newbies. 

Comments

Popular posts from this blog

The Crying Part

Summer Time and The Hectic Days

Stay Still